Mga ineng, ateng, manang, ditse, mga kuya, mga bakla o kahit sino ka pa man basta may blog ka…let’s volt in! Join tayo dito sa pa-kontest na ‘to.
For more deatils, click here: Filipina Writing Project
Aktwali, di lang ‘to kontes-kontesan… campaign for a cause na rin to. Layunin ng project na ‘to ang mawala o mabawasan man lang ang exploitation sa mga kabaro nating pinay hindi lang dito sa Pilipinas natin kundi sa buong mundo na rin. Paki-note nga pala na pwedeng sumali ang mga lalaki dito.
O’ di ba, kahit papano mga ineng, makapag contribute man lang tayo sa pagpapakilala sa buong mundo kung ano talaga ang tunay na PINAY. Try mo search ang word na “filipina” sa google. Mapapansin mo na ang resulta ay para bang ang filipina ay pang penpal service lang, pang mail-order-bride, o kaya pang online dating lang. Josko! Hindi naman sa minamasama ko ang mga ganun pero hindi hamak na kaya pa natin i-angat ang salitang filipina. Agree o disagree? (disagree? Leche ka! bwahaha)
So, paunlakan nyo imbistasyon ko mga ka-blag ko. Koling! koling!:
- Annie
- Brath
- Sariaya Mencius
- Elaine
- Jovie
- Girlie
- Khonz
- K3mbot
- Katherine
- Menggay
- Ging
- Jojie
- Iya
- Trish
- Red
Jo-join ako. Sasali ako hindi dahil sa may dolyares na pa-premyo kundi sa pamamagitan man lang ng pagbo-blog ay may mai-share ako kahit konti kung ano ang iba pang katangian ng tunay na filipina. Oo na, aminado akong magaganda ang PINAY, pero tse! sino may sabing pang-kusina lang ang filipina o pang kama?
Thanks to Kengkay for sharing/inviting me to join in this project. Mahal na kita, keng!
Be a Proud Pinay! Visit: Filipina Images

Huw 16 Ago 2007 at 3:42 hapon
oh my gulay! sali bako? hmm.. sige na nga.. pero kailangan ko sigurong karerin ito, baka lumabas na binabalahura ko lalo ang mga pinay.
MARU: oist, kahit anik-anik lang. di naman kelangan mag nosebleed ka sa entry mo. kahit maiksi lang din basta importante may contribution tayo. ako nga ganun din inaalala ko, baka mabalahura ang pinay. nyahahaha!
Huw 16 Ago 2007 at 3:48 hapon
palakpakan — galeng! idol talaga kita, peks man.
MARU: bow! — pero ikaw ang magaling … ikaw ang nararapat na tawaging idol. maganda ka talaga mare, inside and out.
Huw 16 Ago 2007 at 4:51 hapon
I’m proud to be pinay buko pie!
cge sali akoooo…..
MARU: yey! ayannnn …. sasali na ang isa sa magagaling na pinay – si pangga khonz! maraming salamat ‘ga.
Huw 16 Ago 2007 at 7:11 hapon
pwede ba ako sumali jan langga? mahilig din ako sa pinay… pwede bang qualification yun?
MARU: gang, pagkakataon mo ng iladlad ang saloobin sa pagiging obses mo sa mga pinay kaya please join ka! isa kang MAHILIG <— sapat na yan!
Huw 16 Ago 2007 at 7:15 hapon
honga. sali din ako! madami ako caps na pinay! lol
MARU: waaaah! bespren! isa ka pa naman sa mga inaasahan kong sasali dito ng seryosohan dahil alam kong magaling ka. magaling ka lalo na pagdating sa babae. isa yan sa mga expertise mo di ba?
bespren, join ka! tamang-tama, malay mo makakuha ka ng sandaang dolyares dun sa papremyo. pandagdag din yan sa pang-gimik sa pag uwi mo sa pasko.
Biy 17 Ago 2007 at 1:20 umaga
naku kung sasali ako dito ako kaylangan ko ng super mahabang panahon,,, hay
xiao!
MARU: take ur time brath, malayo pa naman ang deadline eh.
Biy 17 Ago 2007 at 8:28 umaga
hmm..eto na pala yung writing project for pinays..akala ko dati pangbabae lang to.
go madam maru! mabuhay ang pinay! gawin nyo kaming mga sexslave!
MARU: nyahahaha! sex slave ka jan! tsinelasin kaya kita! oist, sali ka! magbigay pugay ka sa pagiging filipina ng mader mo, ate mo, tita mo, lola mo, kay aling petra, kay milagring, kay luningning, kay mila (lechon)..ahhhh basta filipina! sige naaaaa! join ka ha?
Biy 17 Ago 2007 at 1:10 hapon
Thanks for letting me know about this, Mare. Sure looks like fun…
MARU: gandahan mo ang entry mo mare….ikaw pambato ko. wahihi!
Biy 17 Ago 2007 at 4:01 hapon
Katulad ng tanong ko kay Kuro nung unang mabasa ko ang kompetisyon na yan,
“Pede ba ala XEREX style kasi dyan ako mahusay magsulat, puro Filipina naman ang bida eh?”
MARU: langya! mababalahura nga ang filipina! hahaha! ilabas mo na kasi ibang talent mo mamared. pero sa totoo lang ako rin nahihirapan mag isip kung anong tema ang iko-contribute ko. siguro iiksian ko lang.
Biy 17 Ago 2007 at 6:58 hapon
alam niyo sa ngayon, medyo alanganin pa tayo mag simulang magbigay pugay at magtaas ng bandera ng mga Filipinas. merong kontrabida eh! bago natin ito simulan, KATAYIN MUNA SI MALU!!!@#$%^&*
MARU: sinabi mo pa! kelangan alisan muna ng pagka-filipina si porky! nyahaha! i-disown muna. kaka-hayblad pa rin hanggang ngayon.
Sab 18 Ago 2007 at 9:19 hapon
bilisan nyo mag-compose oooist! atat nako mabasa yan!
samahan nyo pics ha. yung naka-bikini ok?
MARU: bespren, di ka ba jo-join? gawa ka naman ng entry mo. sus galeng-galeng mo pa naman pagdating sa babae. wahihi!. pero wag ka… kahit ako wala rin maisip kung anong klaseng entry ang iko-contribute ko.
Lun 27 Ago 2007 at 10:47 umaga
Maraming salamat sa plug. Week 3 summary ay ngayong Wednesday. Sana ay maka submit kayo ng entry.
Biy 07 Set 2007 at 12:18 hapon
Maru, thanks for pinging my blog about this. It’s a very nice idea. Maga-try din ako to find time for this.
MARU: hi elaine, ur most welcome. ang tagal mo nawala a. busy ba sa school? ingat ka lagi, pangga.