Hanubatu! Nagka-monthly period lang ako pero bakit parang nagka amnesia din ako. Na-forget ko may blog pa pala akong dapat alagaan. Nagbisi-bisihan ako sa bagong grupo namin. Para akong si Kengkay na kating-kati para makipag kulitan sa bagong-gawa na WordPress Pinoys Forum.
Oist! mga minamahal kong mamboboso ng blog ko… join or visit us sa forum site namin. Masaya doon. May meryenda para sa mga bisita. Magpapa-raffle din kami ng isang unit ng condominium at trip to Jerusalem Europe sa jo-join sa amin. Bwahaha! Joke lang.
Heniways, netong weekend lang, trip ko sana pumunta ng mall para mag shopping. Hindi natuloy kasi naalala ko, kelangan pala may pera pag mag sa-shopping. Credit card? Alaws ako nun. SM Advantage card lang meron ako. Since wala akong salapi binuro ko na lang sarili ko sa bahay at nag hopping na lang ng blogs. hehehe! Nawala ang “s” sa shopping ko.
Nagpalipat-lipat ako sa iba’t ibang blogs pero lurker mode lang. Kumbaga, tahimik lang na naki-usyoso o naki-tsismis na nagbabasa. May iisa akong napansin sa mga blogs na napuntahan ko - Graveh, ang gagaling nilang lahat!
Sa mga nadaanan ko, yung ibang bloggers eh ang husay nila mag-express ng sarili nila sa blog lalo na pag malungkot sila o kaya may dinadalang problema. Feel na feel ko siempre yung pag i-emote nila ng mala-Pasan-Ko-Ang-Daigdig nilang drama sa buhay. At inggit ako.
Hindi ako nainggit sa mga problema nila, dahil kung problema din lang ang pag uusapan… bah! kumbaga sa puno, hitik ako nyan! Mayaman. Di hamak na mas sagana ako sa problema kesa sa kanila so papano naman ako maiinggit? Lols.
Inggit ako dahil ang galing nila magpalabas ng mga saloobin. Talagang naging outlet nila ang blog sa mga hinanakit. Ako man ay may mga dinadala din at hinaharap na problema. Mas malala pa nga kung ikukumpara dun sa mga nabasa ko. Pero tanong ko sa sarili ko - bakit di ko maisulat yung sa akin? Hindi ko rin masabi sa iisa at kalahati kong kaibigan ang mga bumabagabag sa sarili ko. (Hanef! repeat after me pipol, bu-ma-ba-ga-bag!) Ang lalim!
Binalikan ko tuloy yung mga sentimental entries ko dati. Binasa ko ulit kung magaling ba ako mag-emote sa blog. Kaso hindi eh, parang nakakatawa pa nga ang dating. Hay kalamay! Tsaka pati comments kenkoy din. Henakow….pang sex-comedy lang yata talaga ang category ng talent ko sa blogging at hindi pang-drama.
Tue 28 Aug 2007 at 2:37 am
kiff uff the sex comedy, babaeng ‘dilig’
MARU: keng, tigang pa rin ako
. di kinaya ng cloud seeding.
Tue 28 Aug 2007 at 7:20 am
Langga kong Binabagabag
Sa aking pagbabasa ng iyong post sa blog
puso ko’y naantig at natinag
sa wari koy ako ay nahabag
sa puso mong may bumabagabag.
Maru kong sinta at irog
Buhay ay tulad ng isang ilog
na nanalaytay sa mundo nating bilog
kung pihitin mo konti magkokorteng itlog.
Wag kang mag-alala sinta kong maganda
kung kahit malungkot ikaw ay palatawa
kahit sakit ang iyong nadarama
nagagawa mong magbiro para iba’y tumawa.
Sa ating mundo dapat kang kainggitan
Taglay mong comedy na balot ng kariktan
Sa gitna ng hapis kaya mong makipagtawanan
Halatang malalim ang iyong katauhan.
bow!
MARU: langga
gusto ko ‘to. touch naman ako. pa-kiss nga! maraming salamat sa pagmamahal mo.
Tue 28 Aug 2007 at 8:20 am
madam maru! mahusay naman ang blog mo ah! in a unique way…komedyante nga eh! nakakabaog naman kung puro problema na lang lagi iisipin natin..
nga pala…hindi pako makagawa ng account sa wordpress eh! saka na pag sinipag ako..kelangan ng inspirasyon..
MARU: nelo dear, maraming salamat sa appreciation.
inspirasyon ba kamo? kaya nga kita niyayaya sa WordPress kasi madami dito pwedeng maging inspirasyon. sige naaaaaa!
Tue 28 Aug 2007 at 8:56 am
moo, naiyak ako sa entry mo promise. pwede ka nang mag sex-comedy-drama.. you remind me of a well known actress who does that.. ahhhh oo si AI-AI delas ALAS!! panalo ka moo!
but seriously.. ang lalim nga ng nakakapagpabagabag…. andaling i type.. pero repeat after me and enunciate…. NA KA KA PAG PA BA GA BAG!!! now say it quick!
NAKAKAPAGBABAGABAB!!NAKAKAPAGPAGABAGAB!againNAKAKAPAGBAGABAGAG… demmit…MARU: moo, maraming salamat.i swear, feeling ko ang haba-haba na rin ng baba ko ngayon. parang gusto ko maiyak kasi gaya ni Ai-ai… isa rin akong Tangeng-Ina. ganda ng pagka-kumpara mo. lech!
at eto lang masasabi ko sau, isa kang BULOL! BULOL! BULOL!
Tue 28 Aug 2007 at 11:52 am
Ganun din ako palagi, lurker type. Madami talagang magagaling magsulat, di nila keber kung may nag ko komento sa mga entries nila o wala, kewl nung istilo ng story telling. Pero shempre iba ibang style naman lahat ng bloggers.
Yeah, nakakapagpabagabag.
MARU: hello mithi! kunsabagay ngayon alam ko na kung saan ako na kategorya sa blogging. Sex-Comedy nga. hahaha!
Tue 28 Aug 2007 at 12:54 pm
nakapagpababa este nakapagbagpababag,este nakapagpapababag…
TOUCHING (ayan), talaga din ang iba, pero sila yun. iba iba naman style. tsaka, pampagising naman kase mga entry mo gang! nice nga eh! ikaw pa! asus!
MARU, ‘gang…ano yung pampagising na sinasabi mo? pampagising ba ng mga ugat na natutulog? hmmn… kaw ha. kaw nga si Sawn!
Tue 28 Aug 2007 at 1:12 pm
Mahirap i-express ang sadness. Iba tayo eh. Magaling lang tayong magpasaya.
hahaha! Joke. But honestly, meron talagang mga magagaling at mga trying-hard. Kung gusto mo din maging magaling, maghanap ka ng bf na magaling. Sa kanya ka mag-practice. Diba? Diba?!
MARU: sabi nga sa showbiz…mas mahirap daw magpatawa kesa magdrama. teka, bakit naman nasali dito ang paghahanap ng bf? ano konek? ahhh… u mean mag praktis ako sau? nyahahaha. diba? diba?
Tue 28 Aug 2007 at 2:38 pm
[...] Stop Calling Me Emo… So I Sat In The Corner And Cried August 28th, 2007 May sinabi si Maru.. [...]
Tue 28 Aug 2007 at 3:21 pm
hehehe. minsan ‘pag binalikan mo ang isang lumang entry, matatawa ka, parang ang korni.
:p
MARU: hello laarni! korek ka jan mare! minsan parang naiisip ko nga burahin na lang eh. kasi ang OA ko pala. hahaha! Pero yaan ko na lang ‘yun…aliw din naman minsan.
Tue 28 Aug 2007 at 3:26 pm
marekoy mukang pareho tau ng hinaing. hindi sineseryoso ang mga senti natin.
MARU: parekoy, isa sa nagustuhan ko nga sa blogging ay para mailabas ko ang mga dapat ko ilabas lalo na pag senti mode. kumbaga para maging outlet ko ng mga emosyon ko. kaso iba ang lumabas sa akin … ang kakengkoyan ko. lols. kunsabagay yun din kasi ang natural ko kaya no regrets na rin.
Tue 28 Aug 2007 at 4:03 pm
parang bagay din ako sa category mo.
hayaan mo na. kanya-kanyang utot lang yan. LOLs!
MARU: girl, agree ako sa u. kapit-bisig tayo sa kategorya natin - tayong mga mahahalay. nyahaha!
Tue 28 Aug 2007 at 11:18 pm
[...] Inggit Ako « M A R U I S M [...]
Tue 28 Aug 2007 at 11:20 pm
[...] Inggit Ako « M A R U I S M [...]
Tue 28 Aug 2007 at 11:25 pm
wag ka na mainggit!
lika,hug kita!
take care maru!
MARU: hi lex, buti na lang andiyan ka. ano na lang gagawin ko sa buhay ko kung wala ka? charoz! sige hug mo ko. higpitan moooo… ohhh….ahhh. Nyahahaha!
have a nice day, lex.
Wed 29 Aug 2007 at 1:58 am
UNIK NGA EH…DON’T GO CHANGING..KEEF IT UF!
MARU: Malen dear, there u are! thank u sweetie.
mwaah!
Wed 05 Sep 2007 at 10:04 am
medyo nanibago lang ako d2 sa blog mo….anyway thanks for your time chatting with me awhile ago…i hope i could see u n person if your from iligan city…